Friday, January 22, 2010

Ang Work, ang American Idol, Glee, at ang Comatose

"Mamamatay blog ka!" ang narinig kong sigaw mula sa direksiyon ng aking PC.

Hay, oo nga naman. May tatlong araw na naman akong di nag-post dito sa blog ko kaya heto, dala ng tawag ng pangangailangan, nag-popost ako. Kaya lang, ano bang magandang i-post. Hay, siyempre, magta-top 3 na lang ako. Ok, eto ang TOP 3 Reasons Why I Forgot to Post.

Number 3:
Work
Isang napaka-evil na salita. 



Full swing na naman ang trabaho this week. Isa akong writing consultant para sa mga studyante. Nag-babasa ako ng mga essay, research paper, at kung anu-ano pang mga kalokohang kayang isulat ng mga studyante sa tulong na rin ng mga magagaling nilang mga propesor. Nung mga unang linggo ng buwan na to, parang wala pang klase ang mga makukulit naming mga colleges kaya post lang ako ng post. Ngayong week, medyo marami-rami nang nakapilang mga dapat basahin, komentuhan, at iayos na mga papel kaya hayan, hindi ako makapagpost. Humanda na lang ang blog ko next week dahil siguradong babaha na ang trabaho. Hay! Sana may time pa kong magsulat ng istorya para sa Linggo. Hindi ko pa na-dadraft yung storya at kung wala yun, naku, e di wala ding illustrations. Hay hanap-buhay!

Number 2:
American Idol Season 9 at Glee
Dalawang palabas na parang shabu.



Wala na si Paula Abdul pero nakaka-aliw namang may mga proxy para sa kanya. Nung Miyerkules, si Shania Twain ang nangulit kasama si Kara. Kahapon, si Kristin Chenewith, na isang magandang segway para sa Glee. Nag-guest kasi siya dun sa Glee sa role na April Rhodes. Kung hindi niyo rin siya kilala, siya din si Olive Snook dun sa Pushing Daisies. Ayan, kahit napanood ko na yung Glee, inuulit ko na naman sa Star World. Minsan na nga lang ako manood ng TV, re-run pa yung pinapanood ko. Whatta life. Sana, Whatta Tempura na lang (at oo, gutom na ko).


Number 1:
Comatose
Isang bonggang-bonggang kaganapan para sa mga taong insomniac.



Ayan, dalawang araw ba naman akong hindi matulog, Lunes at Martes, kaya ayan, nacomatose ako nung Miyerkules. Gumising ako ng 10:25 AM nung Lunes at hindi ako nakatulog nung Martes. Miyerkules na ng alas-quatro ako nakatulog. Aba! E parang mga alas-quatro na rin ako gumising, hapon nga lang. Akala ng iba, maigsi yung isang dosenang oras na pag-tulog, pero para sa akin, hay, swerte na ngang makatulog ng lagpas 3 hours. Hay, erase-erase... Take two. Akala ng iba, maigsi yung isang dosenang oras na pag-tulog, pero para sa akin, hay, swerte na ngang antukin ako. Ayun. Kaya lang, ang problema, hindi lang pag-boblog ang naaantala ng problema ko sa pag-tulog. Pati trabaho, naapekutahan din. Nung Miyerkules tuloy, absent ako.

Hay, alas 3:10 na. Kailangan na namang mag-try matulog. Hahaha! Pagdasal niyo na lang na magising pa ko. Mommy, kung nababasa mo to, mag-pasamyo ka lang ng kape sa ilong ko maya-maya, gigising ako ng mabilis.
Bago matulog, magpapasalamat muna ako sa mga websites na pinagkunan ko ng mga pics:
Thanks to The T-Chest para sa picture tungkol sa work. Salamat sa Ringtonia para sa logo ng American Idol at sa Regular Rumination para sa logo ng glee. Para sa picture ni Rip Van Winkle, salamat sa ScrapeTV.

7 comments:

  1. ayos lang yan.. 3 days..

    ako umaabot ng 1-2 weeks bago makapagpost. wag mo ipressure sarili mo. hehe

    Ang ganda ng AI ngayon ano? nakakatawa mga contestant. Ang kulit pa ng mga guest judges. inaabangan ko si katy perry next week sya. labs ko yun eh. hahaha

    NOW Playing: INSOMNIA by Craig David

    ReplyDelete
  2. Hahaha! Oo nga naman. Naninigurado lang kasi nga pang labing-walo ko na tong blog na to pero tuloy ang ligaya sa Linggo. May kwento pa rin. Kailangan ko lang mag-sipag magtype at mag-drawing. Hahaha!

    Ang kulit ni Shania Twain hano?

    Congrats! Una ka ngayon ah! :-)

    Manggagaya ako. Now Playing: It's my life/Confession by the Guys of Glee.

    ReplyDelete
  3. oo nga, kami ni jason umaabot ng 7-10 days. aw.

    yung glee, gusto ko rin panoorin kaso wala naman akong time para umpisahan.. ayoko naman umpisahan tapos hanggang episode 4 lang ako.. aw.

    ReplyDelete
  4. Naaalala ko kasi yung resolution ko. 1 post a week. E gusto ko sana, yung one post na yun, kwento. :-) Enjoy kasi kayo pag kwento yung pinopost ko eh. :-)

    ReplyDelete
  5. ako kapag umaabot ng 2 days na hindi ko nakikita ang blog ko ay atat na atat na akong makita uli..sikat talaga ang american idol..

    ReplyDelete
  6. I'm just catching up with Gossip Gilr and the I'll start watching Glee oks ba yung series?


    by the way check out my new blog post hope you like it: http://lovenashyboy.blogspot.com/2010/01/yummy-corner-sizzlin-weekend.html

    I’ll come and visit your blog more often keep in touch!

    ReplyDelete
  7. Yeah! OK yung Glee. It's a musical at halos current yung mga song choices nila kaya ko siya nagustuhan. I'll visit your blog later. :-) work muna ko.

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails