Wednesday, January 27, 2010

Nakabibiglang Pangyayari

Kanina, sa isang malayong lupalop na tinatawag kong office, may nakagugulantang na pangyayari.

Inosente akong nagta-type sa aking PC nang lapitan ako ng aming HR officer, si Roger.

"Chad, may ginagawa ka? Usap tayo?" ang sabi ni Roger.

"Tatapusin ko lang ito. Isang section na lang naman eh," ang sagot ko habang kinakabahang tumitipa ng tiklado ng keyboard. Parang alam ko na kasi ang magiging paksa ng pag-uusapan namin.

Nang matapos ako sa ginagawa ko, tumayo ako sa aking upuan at binalot ako ng kakaibang kaba na nag-papanggap na ginaw kaya nag-jacket ako. Lumakad ako papunta sa cubicle ni Roger at hinanap ko siya. Wala siya sa cubicle, pero paglingon ko sa makipot na daanan, nakita ko siyang papalapit sa akin.

This is it is it, pansit! 

Tama nga ang hinala ko. May nag-submit nga ng pangalan ko para maging sub-team leader. In other words, may nagkamaling gustuhin akong maging "boss" kahit mini-boss lang.

Nang pormal nang sabihin ni Roger na, "You have been nominated for the sub-team leader position. Would you be willing to take it if you get chosen?" ang sabi ko bigla, "At sino naman ang nag-submit ng pangalan ko? Hmmm!?! Sino? Makakastigo ko ang mga iyon maya-maya." Pabiro kong sinabi at nagtawanan naman kami ni Roger pero ang tanong, gusto ko nga bang magkaroon ng dagdag na responsibilidad? Kung blog nga, hindi ko pa masyadong maasikaso, tao pa kaya? Hay, buhay!

Matagal kong inisip-isip ang isasagot ko. Tinanong ko si Pareng Bruce Lee na nagmamartial arts sa utak ko at ang sinabi niya sa akin ay ang pagkalabu-labong quote na ito: 
Be like water making its way through cracks. Do not be assertive, but adjust to the object, and you shall find a way round or through it. If nothing within you stays rigid, outward things will disclose themselves. 

Dahil malabo ang sagot ng mokong, naisip ko, tanungin na lang si Roger tungkol sa job description at mga pagbabagong kaakibat ng posisyon. Pagkatapos kong baliktarin ang lamesa at interviewhin ang aking interviewer, sinabi ko, "Sige, sige, sige na nga!" na parang ako pa ang galit. Natatakot lang ako sa mga karimarimarim na bagay na maaaring mangyari. Nandiyan ang pressure ng pagmamando sa mga magiging mga anak-anakan ko. Paano yun? Pasaway ako at natatakot akong magpasaway din sila. Baka may makagalit pa ko kapag maghalo ang pasawayness namin. Baka maghalo ang balat sa tinalupan. Baka magkatotoo ang sinabi ng nanay ko: 
Pag ikaw nagka-anak, mararanasan mo din ang mga pahirap na nararamdaman ko!

Hoh mayh Gahd! Nandiyan na rin ang pag-aalala na baka mawalan ako ng oras para sa sarili ko. Paano na ang mga kwento tuwing Linggo? Paano na ang DoTA? Paano na ang Restaurant City? Kung hindi ko lang inisip na may dagdag na sweldo, baka umayaw ako. Kaya lang, yun na nga. Mukhang pera din ako kaya ayun. In the end, official na akong kino-consider para sa posisyon na iyon.

Hindi ko alam kung natatatakot ako o natutuwa. Abangan na lang ang susunod na kabanata.

8 comments:

  1. Hey! Congrats! papancit ka naman! ehehhe

    ReplyDelete
  2. good start for the new year bro... Congrats!!! pacanton ka naman dyan hehehe

    ReplyDelete
  3. waw! cong-graaaaaaaaaatyulatshennn!!!
    libre! libre! libre!
    tinanong mo na din lang job description, dapat sinundot mo na din increase sa sahod. hehehhe ;)

    ReplyDelete
  4. Naks naman!

    Goodluck and Congratulations! :)

    ReplyDelete
  5. @ Rhodey: Thanks! Alang ka-canton-nin eh. Ahahaha!

    @ Beeftapa: Yun ang una kong tinanong. Mukhang pera kaya ako.

    @ Mangyan Adventurer: Thanks!

    Pero hindi pa sure yun. Tinatanong lang nila kung gusto kong mapasali sa shortlist. Tingnan muna natin kung anong mangyayari.

    ReplyDelete
  6. CONGRATULATIONS!

    The added responsibility comes with the territory, but think about what you will learn as you go along the way. I think that should matter most (maybe next to the increase in paycheck hehe). Besides, that would get you to the road of maturity (unless ayaw mo)

    Good luck!

    ReplyDelete
  7. Thanks Keekaye. :-) Lahat ng sinabi mo, hehehe, gusto ko. :-D

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails