Thursday, March 25, 2010

Isang Malaking Kabalintunaan

Noong Lunes, pumunta ako sa Festival Mall sa Alabang para kunin ang results ng annual physical exam ko. Kasama ko ang kaibigan kong si Donna nung kinuha ko yung mga results. Maayos naman ang lahat puwera sa katotohanang overweight na ako at kailangan ko nang magpapayat. Masaya kaming naglakad sa mall nang may natanaw akong kakaiba at napakalaking kabalintunaan.

Nang makuha ko na ang aking results ng medical ko, naihi si Donna kaya hinintay ko siya sa labas ng CR. Nakatayo ako sa tapat ng Clipper, isang magandang gift shop, habang naghihintay nang masagi ako ng isang mama. Nung lumingon ako, bulag pala ang mama at patungo siya sa CR. Sinundan ko ng tingin ang mama nang mangyari ang isang aksidente!

Papasok ng maliit na hallway ang mama at palabas naman ang isang tibo mula sa CR. (Sa CR kaya siya ng girls galing?) Mabilis ang lakad ng tibo, at biglang, BLAGSNGKST!!! Nabangga ng tibo ang walking stick ng mamang bulag. Hindi naman natumba o nasaktan ng mamang bulag. Nagsori din ang tibo. Kaya lang, napaka-ironic ng nangyari. 

Para sa akin, malaking kalokohan ang nangyari -- dramatic irony, kung baga.Kung sino pa ang nakakakita, siya pa ang nakabangga ng bulag. Hindi ko makalimutan ang nakita ko. Sa kakaisip, na-realize ko na may moral lesson sa pangyayaring iyon. Siguro nga, dapat lang nating i-appreciate kung ano ang meron tayo. Kaya ako, ang gagawin ko, gagamitin ko ang natitira ko pang paningin (na unti-unti na ring lumalabo) para maiwasan ko ang ganong pangyayari. Nakakahiya. Nakakapraning. Higit sa lahat, napakalaking kalokohan.

4 comments:

  1. baka naman nagmamadali ang tibo kaya nabangga ang bulag o kaya ang tibo ay may kaunting deperensya din sa mata,hehe..

    ReplyDelete
  2. Hahaha... oo nga. Andaming pwedeng dahilan. Hehehe. Pero isa lang ang totoong solusyon: tumingin sa dinadaanan. :-)

    ReplyDelete
  3. Baka naman duling ang tibo hindi mo lang napansin..eheheh. ganun eh, minsan talaga kung sino pa ang nakakakita sya pang bulag sa lahat ng nasa paligid nya.

    ReplyDelete
  4. tama ka. bakit nga ba yung may mata pa ang di nakakita ng maayos? -- moreducation.weebly.com

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails