Showing posts with label daily life. Show all posts
Showing posts with label daily life. Show all posts

Tuesday, July 27, 2010

Jeepney Kids

While on a jeepney ride going home, I sat beside two families. The family farthest from me had a little girl who was out of control. She would switch from one side of the vehicle to the other, deaf to the scolding of her mother and father. On the other hand, the family sitting just next to me had a behaved little boy. He was just curiously looking at the little girl who was already throwing a tantrum.

With an exasperated voice, the mother of the little girl said, “Look at the baby boy. He’s so behaved.”

Just then, a smile spread through the faces of the little boy’s parents, clearly, because of pride.

I didn’t know what to think. It was one of two things: feel happy for the parents who had the behaved little boy or feel sorry for the parents who had a gremlin for a baby girl.

I can’t wait to have kids.

Sunday, July 25, 2010

Maling Akala

Natatandaan ko pa na nag-post ako ng mga "coming soon" dito sa blog ko. Sabi ko, makakapag-post na ako ng marami pag-dating ng summer term ng mga American students ko pero hindi pala. Since na-promote ako, marami pang ibang nangyari sa pag-unlad ng career ko.

Una, nag-rerecruit na rin ako for the writing consultant post. Dahil 50 ang kailangan kong makuha, araw-araw, busy ako sa pagtetest, pag-iinterview, at pag-papasa ng mga applicant.

Pangalawa, malapit na akong mag-birthday kaya ayan, medyo depressed mode na naman ako. Lagi naman eh. Just before I have my birthday, I feel depressed.

Pangatlo, nagamot ata ng pagiging workaholic ko ang pagiging insomniac ko. Ayan, wala tuloy akong time para mag-blog. Kahit nga Sunday, hindi ako nakapag-online -- ngayon lang.

I hope to make it up to myself and my readers in the coming days. Ewan ko lang kung kailan yon.

Sunday, May 30, 2010

Isang Kwentong Bayan ng Alabang

Nung Biyernes, habang nag-lulunch kami sa opisina, gumawa ako ng kwento tungkol kay Jennie (na ipapublish ko din dito, malapit na). Dahil sa kwento ko, naalala daw niya ang isang kwentong narinig niya nung siya ay bata pa tungkol sa isang mayor sa Alabang.

Heto ang kwento:

Noong unang panahon, may isang mayor sa Alabang na kilalang masama ang ugali. Dahil siya ay mayaman at makapangyarihan, palagi siyang pumupunta sa pampang ng Laguna de Bay para mangolekta ng tong. Wala namang pera ang mga mangingisda kaya ang huli na lang nila ang kanilang ipinambabayad sa sakim na alkalde. Ganito ang kalakaran ng buhay ng masamang mayor.

Isang araw, nang ang mayor ay nasa kanyang ruta ng pangongolekta ng tong, may lumapit sa kanyang batang babae.

"Mama, mama, pwede po ba akong manghingi ng isda?" ang tanong ng batang gusgusin.

Tiningnan ng mayor ang bata at sinabing, "Ah isda ba kamo? O heto!"

Imbis na ibigay ng maayos, isinaksak ng mayor ang isang bangus sa bibig ng bata at lumakad na papalayo. Subalit nang siya'y lumingon para tingnan kung sinusundan pa siya ng bata, wala na ang bata sa pampang.

Makalipas ang isang linggo, nagka-cancer ang mayor - cancer sa lalamunan. Gamit ang kanyang yaman at impluwensiya, nagpagamot ang mayor sa mga ispesyalista. Nang hindi kinaya ng mga doktor dito sa Pilipinas, nangibang-bansa ang mayor para magpagamot. Pumunta siya sa America pero hindi na rin nila magamot ang kanyang cancer dahil malubha na ito. Di nagtagal, namatay ang mayor.

Marami sa mga sumubaybay sa mayor ang nakaisip na maaaring may kinalaman ang batang babaeng sinaksak niya ng bangus sa bibig. Ipinagtanong nila kung sino ang bata sa lahat ng tao ngunit walang nakakakilala sa batang ito. Ang lumabas pa nga sa mga imbestigasyon ay wala talagang batang katulad ng kanilang nilalarawan.

Pagkatapos ko marinig ang kwento, kinilabutan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro nga, mahiwaga ang bata. In fact, ito ang theory ko:

Mula sa pagkaluklok ni Maria Makiling sa tuktok ng kanyang bundok, natanaw niya ang alkalde. Gusto siguro niyang parusahan ang mayor pero, siguro, binigyan pa niya ng pagkakataon. Siya ay bumaba ng bundok para bigyan ng pagkakataong magbago ang mayor gamit ang pagsubok sa kabaitan ng mayor. Kaya lang, hindi naging mabait ang mayor kaya ayun ang inabot niya.

Saturday, May 29, 2010

Ang Credit Card Joke (featuring Bianca)

Kanina, sa office, natawa ako sa sinabi sa akin ng isa kong kaibigan, si Bianca. Natawa ako dahil sobrang ironic ng sinabi niya sa akin.

Nitong nakalipas na linggo, hindi nga lang ako sigurado kung anong araw, nag-break sila ng 3-year long boyfriend niya. Dahil depressed ang bata, naisipan niyang mag-mope around at mag-internet ng sagot sa kanyang problema. Sa di inaasahang pagkakataon, napadpad siya sa isang forum tungkol sa mga rules pagkatapos ng break-up. Kung hindi ako nagkakamali, tungkol iyon sa "no contact rule" pagkatapos ng break up. May isang nagpost at nabanggit doon ang isang title ng libro, "It's Called a Break-up Because It's Broken."

Dahil sa daming nag-react na maganda tungkol sa book, ginusto ni Bianca na bumili rin non. Kanina, habang nag-fifill up siya ng online order form para sa book, sinabi niya:

"Gamitin ko kaya ang credit card ni ____ para bilhin tong book?"

Aba! Pagkatapos kong marinig yung sinabi ng loka, natawa na lang ako. Ironic, ika nga. Paano kung itinuloy niya nga ang pagbili dun sa book gamit ang credit card ng ex niya? Naiimagine ko na ang mangyayari. Lalabas sa credit card bill yung title ng book at mapapakamot na lang si ____ dahil nagawa pa ni Bianca na gamitin credit card niya sa pag-bili ng librong tutulong sa kanya mag-move on.

Pakiramdam ko lang, baka ito na ang pinakamalaking joke na maaalala ko tungkol kay Bianca. Baka nga hanggang uugud-ugod na kami, ito pa rin ang joke na pagtatawanan namin ng malupit. Sana lang, makapag-move on na ang Biankikay namin para hindi na siya sad. Higit sa lahat, sana hindi rin niya gawin yun kasi baka hulihin siya ng pulis sa paggamit ng credit card ng iba.

Ngayon ko lang din na-realize: mahirap palang makipag-break. Nakaka-depress. Nakaka-sira ng ulo. Higit sa lahat at kung may credit card ka, mahirap pala na alam ng girlfriend ang credit card number mo. Ikaw na ang nawalan ng girlfriend, ikaw pa ang magbabayad para mag-move on siya. Hehehe!

Wednesday, May 19, 2010

Mga Mangyayari sa Hinaharap

Una sa lahat, salamat, Ate Ayie dahil kinukulit mo kong mag-post. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko na sana maaalala. Hehehe!

Dahil sumusunod ang trabaho ko sa academic school year ng America, magiging mas maluwag na ang schedule ko. Magkakaroon na ako ng time mag-post ng mga bagong kuwento, at eto ang mga nakabinbing mga kwentong dapat kong isulat:

1. Ang Tagak
2. Ang Maalamat na Lighter
3. Bakit May Sungay ang Narwhal?

Kelan nga ba ako mag-kakatime? Sa tingin ko, hindi na ako busy pag-dating ng June. Ilang linggo na lang ba yon? Less than two weeks na lang, so hang in there, fans. Malapit na malapit na!

Tuesday, May 18, 2010

Chad cannot sleep because he is thinking about _______.

I am an insomniac. That explains why I can't sleep.

I am infatuated, but I cannot publish the name of the person on my Facebook profile.

Damn if you do, damn if you don't. This is how I see my situation. If I post a name on my status message, I will stir up controversy. If I don't put a name and leave it blank, I will still reap the same results. However, keeping the name to myself will save me from ruining the friendship that I have with her, so I will keep it at that.

Chad thought about living up to the meaning of the word "smoulder," but realized that it is such a wasteful concept, and thus, changed his mind, deciding on living like a "laser beam" instead.

I am passionate like fire. That's why I was thinking of the word "smoulder."

I chose "smoulder" instead of "smolder" because I like the emphasis brought about by the letter u.

I told my program manager that I try to live by the meaning of words that I can relate to. Then, I realized that I need to also direct my passion into something creative. That's when I decided to change it to "laser beam." It seems that "laser" carries the same kind of heat, but it is focused, making it more appealing to me.

I easily get distracted, so I have to live by that phrase until I can confidently say that I am a living, breathing laser beam.

Friday, April 16, 2010

Dahil Bored Ako

Dahil bored ako, sinamahan ako ng mga friends ko gumawa ng mga kalokohan.

Nung Saturday, sa office, sinamahan ako ng frilled lizard ko magyosi.

Photos0202

Nung  Monday naman, habang walang magawa sa office, nagpunta kami sa gubat. Kasama ko naman ang snake ko at ang wallaby ko.

Photos0204

At higit sa lahat,  nagkape kami ng snake ko sa office habang nagtatanggal ng stress.

Photos0206

Ayan, cute diba? Super busy ako ngayon, so eto muna. Til next time. 

Thursday, March 25, 2010

Isang Malaking Kabalintunaan

Noong Lunes, pumunta ako sa Festival Mall sa Alabang para kunin ang results ng annual physical exam ko. Kasama ko ang kaibigan kong si Donna nung kinuha ko yung mga results. Maayos naman ang lahat puwera sa katotohanang overweight na ako at kailangan ko nang magpapayat. Masaya kaming naglakad sa mall nang may natanaw akong kakaiba at napakalaking kabalintunaan.

Nang makuha ko na ang aking results ng medical ko, naihi si Donna kaya hinintay ko siya sa labas ng CR. Nakatayo ako sa tapat ng Clipper, isang magandang gift shop, habang naghihintay nang masagi ako ng isang mama. Nung lumingon ako, bulag pala ang mama at patungo siya sa CR. Sinundan ko ng tingin ang mama nang mangyari ang isang aksidente!

Papasok ng maliit na hallway ang mama at palabas naman ang isang tibo mula sa CR. (Sa CR kaya siya ng girls galing?) Mabilis ang lakad ng tibo, at biglang, BLAGSNGKST!!! Nabangga ng tibo ang walking stick ng mamang bulag. Hindi naman natumba o nasaktan ng mamang bulag. Nagsori din ang tibo. Kaya lang, napaka-ironic ng nangyari. 

Para sa akin, malaking kalokohan ang nangyari -- dramatic irony, kung baga.Kung sino pa ang nakakakita, siya pa ang nakabangga ng bulag. Hindi ko makalimutan ang nakita ko. Sa kakaisip, na-realize ko na may moral lesson sa pangyayaring iyon. Siguro nga, dapat lang nating i-appreciate kung ano ang meron tayo. Kaya ako, ang gagawin ko, gagamitin ko ang natitira ko pang paningin (na unti-unti na ring lumalabo) para maiwasan ko ang ganong pangyayari. Nakakahiya. Nakakapraning. Higit sa lahat, napakalaking kalokohan.

Thursday, February 25, 2010

Ang Busy Supervisor at ang mga Kakaibang Superpowers

Buhay pa ako. Busy lang ako lately kaya hindi ako makapag-post at makapagsulat ng matinong kwento. Hindi na rin ako makapag-drawing pero babalikan ko lahat iyan sa susunod na mga linggo. Mahirap pala talagang maging supervisor.

Speaking of super, dahil sa isang sineng napanood ng makulit kong kaibigang si Johmar, nakaisip ako ng mga super powers na walang kakwenta-kwenta. Base sa kwento niya, may isang character daw sa movie na tinutukoy niya na invisible lang kapag walang nakatingin pero nagamit pa rin nung character na yun ang kakaibang power. Nainspire naman ako kaya heto ang mga naisip kong patok na mga sablay na powers:
  1. Kapangyarihang makapag-kamehame wave. Kapag tinamaan ka, patay ka agad. Kaya lang, pwede lang gamitin ang power na ito kung 10 ft. away ka sa kalaban. Ang catch, 8 ft. lang ang abot ng kamehame wave.
  2. Kapangyarihang malaman kung kailan may balyenang kinagat ng lamok kahit saan sa earth. 
  3. Kapangyarihang managinip ng mga mangyayari sa hinaharap. Kaya lang, pag-nagising ka na, makakalimutan mo na ang prophecy.
  4. Kapangyarihang manalo sa kahit anong klaseng bakbakan kung ang kalaban mo ay taong mas maliit sa iyo. Kaya lang, ipapanganak kang unano.
  5. Kapangyarihang makapag-basa ng iniisip ng ibang tao pero literal. Masusulat ang iniisip nila sa katawan mo. Kaya lang, sa batok.
Libre kong ipinamimigay yang mga powers na yan. Alin gusto niyo? Marami niyan sa stock. Nung naging supervisor ako, nakuha ko yan lahat eh. Freebie, ika nga. O siya, tama na ang kahibangang ito. Next week na lang ulit. Abang-abang lang. Marami pang powers na tulad ng mga ito.

Monday, February 8, 2010

It's Official

O ayan, it's official. Pormal ko nang tatanggapin ang mga congratulations at pagbati niyo sa akin. Team leader na ako as of last Wednesday, February 3, 2010! Bwahahahaha! Salamat talaga sa mga nag-greet. Salamat din sa horoscope ko sa Facebook. Sinabi dun na matutuloy talaga tong promotion na to. Nyahahaha! Gusto niyo makitang totoo ang horoscope ko? Eto o:


Hay, hindi ko na-save. Sayang! Kasi naman, yan lang ang tumamang horoscope ko. Weh! Anyway, it still goes to show na hindi dapat balewalain ang horoscopes. Ahahaha!

It's also official. Nabawasan na rin ang time ko para sa blog na ito dahil marami na naman akong pinagkakaabalahan. Andiyan ang gumawa ng reports tuwing gabi. Katabi non ang paghahagilap ng mga reports na dapat kong matanggap mula sa team ko. Parang Easter na nga eh - hanapan ng reports na para bang Easter Egg Hunt. Naku, kung alam niyo lang. Nag-checheck pa ng attendance na para bang teacher. Kulang na lang, pag-sabihan ko ang team ko na magsabi ng "present!"

Andami ding nawala dahil nabawasan ang time ko talaga. Hindi na nga ako nakakapanood ng American Idol at Glee. Hindi na rin ako makapag-DoTA. Yung Torchlight, natapos ko na yung main quest pero no time na rin para doon. Hindi na rin ako nakakapunta sa blog ni Jason, Ate Ayie, at iba pa. Gusto ko rin sana magre-layout ng blog ko at gumawa ng sarili kong design, pero wala na ring time. Hindi ko na rin maisulat yung mga Tagalog kong mga kwento. Buti na lang, may spare pa kong mga nakatype na kwento. Kung wala... lagot. Patay na naman ang blog na to.

Sana, transition period lang ito. Siguro, once I got the hang of it, magagawa ko nang ibalanse ang work and personal life ko ulit.

Wednesday, January 27, 2010

Nakabibiglang Pangyayari

Kanina, sa isang malayong lupalop na tinatawag kong office, may nakagugulantang na pangyayari.

Inosente akong nagta-type sa aking PC nang lapitan ako ng aming HR officer, si Roger.

"Chad, may ginagawa ka? Usap tayo?" ang sabi ni Roger.

"Tatapusin ko lang ito. Isang section na lang naman eh," ang sagot ko habang kinakabahang tumitipa ng tiklado ng keyboard. Parang alam ko na kasi ang magiging paksa ng pag-uusapan namin.

Nang matapos ako sa ginagawa ko, tumayo ako sa aking upuan at binalot ako ng kakaibang kaba na nag-papanggap na ginaw kaya nag-jacket ako. Lumakad ako papunta sa cubicle ni Roger at hinanap ko siya. Wala siya sa cubicle, pero paglingon ko sa makipot na daanan, nakita ko siyang papalapit sa akin.

This is it is it, pansit! 

Tama nga ang hinala ko. May nag-submit nga ng pangalan ko para maging sub-team leader. In other words, may nagkamaling gustuhin akong maging "boss" kahit mini-boss lang.

Nang pormal nang sabihin ni Roger na, "You have been nominated for the sub-team leader position. Would you be willing to take it if you get chosen?" ang sabi ko bigla, "At sino naman ang nag-submit ng pangalan ko? Hmmm!?! Sino? Makakastigo ko ang mga iyon maya-maya." Pabiro kong sinabi at nagtawanan naman kami ni Roger pero ang tanong, gusto ko nga bang magkaroon ng dagdag na responsibilidad? Kung blog nga, hindi ko pa masyadong maasikaso, tao pa kaya? Hay, buhay!

Matagal kong inisip-isip ang isasagot ko. Tinanong ko si Pareng Bruce Lee na nagmamartial arts sa utak ko at ang sinabi niya sa akin ay ang pagkalabu-labong quote na ito: 
Be like water making its way through cracks. Do not be assertive, but adjust to the object, and you shall find a way round or through it. If nothing within you stays rigid, outward things will disclose themselves. 

Dahil malabo ang sagot ng mokong, naisip ko, tanungin na lang si Roger tungkol sa job description at mga pagbabagong kaakibat ng posisyon. Pagkatapos kong baliktarin ang lamesa at interviewhin ang aking interviewer, sinabi ko, "Sige, sige, sige na nga!" na parang ako pa ang galit. Natatakot lang ako sa mga karimarimarim na bagay na maaaring mangyari. Nandiyan ang pressure ng pagmamando sa mga magiging mga anak-anakan ko. Paano yun? Pasaway ako at natatakot akong magpasaway din sila. Baka may makagalit pa ko kapag maghalo ang pasawayness namin. Baka maghalo ang balat sa tinalupan. Baka magkatotoo ang sinabi ng nanay ko: 
Pag ikaw nagka-anak, mararanasan mo din ang mga pahirap na nararamdaman ko!

Hoh mayh Gahd! Nandiyan na rin ang pag-aalala na baka mawalan ako ng oras para sa sarili ko. Paano na ang mga kwento tuwing Linggo? Paano na ang DoTA? Paano na ang Restaurant City? Kung hindi ko lang inisip na may dagdag na sweldo, baka umayaw ako. Kaya lang, yun na nga. Mukhang pera din ako kaya ayun. In the end, official na akong kino-consider para sa posisyon na iyon.

Hindi ko alam kung natatatakot ako o natutuwa. Abangan na lang ang susunod na kabanata.

Friday, January 22, 2010

Ang Work, ang American Idol, Glee, at ang Comatose

"Mamamatay blog ka!" ang narinig kong sigaw mula sa direksiyon ng aking PC.

Hay, oo nga naman. May tatlong araw na naman akong di nag-post dito sa blog ko kaya heto, dala ng tawag ng pangangailangan, nag-popost ako. Kaya lang, ano bang magandang i-post. Hay, siyempre, magta-top 3 na lang ako. Ok, eto ang TOP 3 Reasons Why I Forgot to Post.

Number 3:
Work
Isang napaka-evil na salita. 



Full swing na naman ang trabaho this week. Isa akong writing consultant para sa mga studyante. Nag-babasa ako ng mga essay, research paper, at kung anu-ano pang mga kalokohang kayang isulat ng mga studyante sa tulong na rin ng mga magagaling nilang mga propesor. Nung mga unang linggo ng buwan na to, parang wala pang klase ang mga makukulit naming mga colleges kaya post lang ako ng post. Ngayong week, medyo marami-rami nang nakapilang mga dapat basahin, komentuhan, at iayos na mga papel kaya hayan, hindi ako makapagpost. Humanda na lang ang blog ko next week dahil siguradong babaha na ang trabaho. Hay! Sana may time pa kong magsulat ng istorya para sa Linggo. Hindi ko pa na-dadraft yung storya at kung wala yun, naku, e di wala ding illustrations. Hay hanap-buhay!

Number 2:
American Idol Season 9 at Glee
Dalawang palabas na parang shabu.



Wala na si Paula Abdul pero nakaka-aliw namang may mga proxy para sa kanya. Nung Miyerkules, si Shania Twain ang nangulit kasama si Kara. Kahapon, si Kristin Chenewith, na isang magandang segway para sa Glee. Nag-guest kasi siya dun sa Glee sa role na April Rhodes. Kung hindi niyo rin siya kilala, siya din si Olive Snook dun sa Pushing Daisies. Ayan, kahit napanood ko na yung Glee, inuulit ko na naman sa Star World. Minsan na nga lang ako manood ng TV, re-run pa yung pinapanood ko. Whatta life. Sana, Whatta Tempura na lang (at oo, gutom na ko).


Number 1:
Comatose
Isang bonggang-bonggang kaganapan para sa mga taong insomniac.



Ayan, dalawang araw ba naman akong hindi matulog, Lunes at Martes, kaya ayan, nacomatose ako nung Miyerkules. Gumising ako ng 10:25 AM nung Lunes at hindi ako nakatulog nung Martes. Miyerkules na ng alas-quatro ako nakatulog. Aba! E parang mga alas-quatro na rin ako gumising, hapon nga lang. Akala ng iba, maigsi yung isang dosenang oras na pag-tulog, pero para sa akin, hay, swerte na ngang makatulog ng lagpas 3 hours. Hay, erase-erase... Take two. Akala ng iba, maigsi yung isang dosenang oras na pag-tulog, pero para sa akin, hay, swerte na ngang antukin ako. Ayun. Kaya lang, ang problema, hindi lang pag-boblog ang naaantala ng problema ko sa pag-tulog. Pati trabaho, naapekutahan din. Nung Miyerkules tuloy, absent ako.

Hay, alas 3:10 na. Kailangan na namang mag-try matulog. Hahaha! Pagdasal niyo na lang na magising pa ko. Mommy, kung nababasa mo to, mag-pasamyo ka lang ng kape sa ilong ko maya-maya, gigising ako ng mabilis.
Bago matulog, magpapasalamat muna ako sa mga websites na pinagkunan ko ng mga pics:
Thanks to The T-Chest para sa picture tungkol sa work. Salamat sa Ringtonia para sa logo ng American Idol at sa Regular Rumination para sa logo ng glee. Para sa picture ni Rip Van Winkle, salamat sa ScrapeTV.

Saturday, January 16, 2010

Coffee Stories

It's another restless night. Because I am frightened that I might kill this blog, too, I looked through the net, trying to find something worthwhile to post, and lo and behold, my cup of coffee pointed out the way to something that, to me, is truly amazing!

Initially, I thought of posting a story about coffee, so I googled "coffee stories." The first two matches that came up didn't quite fit my idea of coffee stories. I guess three's a charm because when I clicked on the third link, I saw this:



my dear friend, mr. coffee-head.

he is the one, that never says
no to another cup of coffee.

even, if it was 10th cup.

but results may be hideous.

as you see.

Immediately, I fell in love with this picture. What would you expect from the Coffeeholic? It's art made out of coffee and ink. I also liked the subtitle on this piece because Mr. Coffee-head could be a good coffee buddy. He never says no to a cup of coffee, and can sip up 10 cups! I would like to meet this fine, fictitious fellow.

Upon further research, I learned that the coffee art is the creation of Bastian Salmela. It is a part of a collection of artworks that can be found in Coffee Stories.

The whole concept is brilliant, really, even if there's really no story within the website. It says, "true stories on false locations, with several fake personalities." When I looked and rummaged through the site, there weren't any stories at all; the website was entirely made up of paintings and caricatures done in coffee. However, I don't think that the artist literally mean that he writes stories. Despite the lack of prose in the site, I think that the artist is drawing up on a widely-held belief: a picture paints a thousand words. The cliche doesn't say what those words are for, but to me, those words can form a story or even several ones. What's the point in having a thousand words if it's all gibberish, right? To me, it makes total sense that each picture is a story in and of itself.

Because I found Mr. Salmela and Mr. Coffee-head, I think that this blog will be alright. I realized that there's so much to post. I just have to sit down, relax, and let coffee lead the way.

Thursday, January 14, 2010

Yosi o Cellphone?

Naku, akala ko, nakita ko na ang highlight for the week ko. Aba naman, hindi pala. Kaninang umaga, bumisita sa office namin si Esce at si Jang. Habang nag-yoyosi kami ni Jang, bigla niyang nilabas ang bagay na ito:



Alright. Hulaan niyo kung ano yung nasa picture. Bibigyan ko kayo ng five seconds.

Five.

Four.

Three.

Two.

One.

Ops! Time's up! Sirit na? Sirit na? Ano yung bagay na yon? Marlboro Reds ba yan? Kung akala niyo, yosi yan, nagkakamali kayo. Irotate natin:






Oo, cell phone yan! Gusto niyo, buksan pa natin yung likod eh. Eto o:



Ayan o! Dual SIM pa nga eh. Ops! Punas muna ng laway. Baka tumulo sa keyboard. Ako rin nga, halos lumuwa ang mata ko nung narealize kong totoong cell phone nga yun. By the way, yun ang siko ni Jang. Hehehe! Ang sabi niya, sa Greenhills daw niya yun nabili. Six thou daw. Kung saan eksakto, hindi ko alam. May Bluetooth, expandable memory, camera, at radio daw yan. Astig no? Kaya ayun. Akala ko, Avatar na ang highlight of the week ko. Hindi pa pala. Ito ang tunay na highlight of the week ko!

Wednesday, January 13, 2010

Ang Bluetooth Dongle, Ang Phantom Sisig, at ang Avatar

OK, sige na. Nakatira na ako sa ilalim ng bato dahil andami kong hindi na alam tungkol sa Pilipinas kahit na hindi naman ako nag-overseas trip. Kahapon kasi, napakarami kong nadiskubreng kakaiba at nakaaaliw na mga bagay pero eto ang top 3 choices ko:


Number 3: 
Ang Bluetooth Dongle at ang Maling Akala




Bago ako umalis ng bahay namin, inutusan ako ng tito ko bumili ng bluetooth dongle dahil sa kakulitan niya. Gusto niya kasing mag-lipat ng music files sa cell niya at wala akong USB cable para sa N6300 kaya niya ako pinapabili ng bluetooth dongle. Magkano daw kaya yon? Nagmagaling naman ako at sinabi kong baka wala pang P150 yon sa CD-R K!ng (minali ko talaga ang spelling dahil hindi bayad kung i-eendorse ko sila, hehehe). Nagbigay naman siya agad dahil nga gusto niya na maglipat agad ng music files. Aba, e kung Europa ba naman ni Carlos Santana ang music na gusto niyong ilipat, sino ba naman ang hindi magmamadali, di ba?

Aba naman! Pagdating ko doon, P180 ang pinakamura. Nung tinanong pa ako ng sales person kung ano daw ang OS ng PC ko, lalong nagmahal! Dahil naka Vista ako, aba naman, yung P220 na brand ang binigay niya sa akin. P220-P150 = P70. Tama ba math ko? OK, na-calculator ko na. Tama nga. E di nagpaluwal pa ko kaya ayun, butang-buta ang bulsa ko. Hay, pati ata lint ng bulsa ko, naubos. Dahil sa pagtira ko sa ilalim ng bato, hindi ko na tuloy alam kung magkano at kinulang tuloy ang budget ko.

Number 2: 
Ang Mahiwagang Sisig a.k.a Phantom Sisig



Nagpasama sa akin ang kaibigan ko, si Donna, sa SM Bacoor dahil maggo-grocery daw siya doon. May pagkakaladkarin (madaling makaladkad sa kung saan-saan) ako kaya, siyempre, sumama naman ako sa kanya, at papakainin naman niya ako. Bago mag-grocery, kumain muna kami at dito ko na nadiskubre ang isang kamangha-manghang bagay.

Pinapili ako ni Donna kung saan ako kakain. Nung una, ang sabi ko sa Pao Ts!n na lang para mura lang at masarap pero nagbago ang isip ko. Ang sabi ko dun na lang sa sisig stall (na hindi ko matandaan ang pangalan).  Payag naman siya. Nag-order na ko at nung na-serve na yung sisig, namangha ako dahil lasang sisig at mukhang sisig nga siya pero parang walang sisig! Sa isip-isip ko, "OMG! Ang galing nito ah! Ambilis ma-prepare at masarap ang sisig na 'to pero walang sisig." Grabe! Ang galing, 'di ba? Sa kakatawa namin at pagkukulitan, nabansagan namin ang sisig na ito na Phantom Sisig, pero kahit na nakamamanghang parang walang sisig dun, sobrang sarap naman kaya binigyan ko ng 3.5 stars ang food stall na iyon out of 5. Try nyo din para mamangha kayo. 

Tantararan!!!

Number 1: 
Avatar
Ang Pinakamakulay na Sine sa Buong Mundo



Bago ako magpunta ng SM Bacoor, niyaya naman akong manood ng sine ng isa ko pang kaibigan, si Kate. Nung Lunes kasi, nabanggit ko na hindi ko pa napapanood yung Avatar (oo na, nakatira nga ako sa ilalim ng bato dahil nung December pa ito unang lumabas). Dahil gusto daw niya ulitin, nag-sched kami na panoorin siya kahapon sa Alabang Town Center. Take note. Avatar 3D ang pinanood namin at halagang ginto ang presyo. Kuripot na kung kuripot pero namamahalan ako sa P300.

Kahit na P300 yung sine, I think, sulit naman yung bayad dahil ito na ata ang pinakamakulay na sineng napanood ko! Halos lahat, parang glow in the dark ang kulay at talaga namang nakakaaliw. Puro "ooohhh" at "wooowwww" nga lang ang lumabas sa bibig ko eh. Eto ang maigsing listahan ng mga napansin ko sa sineng iyon:
  1. Ang kawayan pala ay intergalactic na halaman dahil meron nito sa planetang Pandora. 
  2. Ang pinya ay isang intergalactic ding halaman. Kaya lang, sobrang higanteng pinya naman ang nasa Pandora. Parang ambastos pa nga ng pagkakasambit ko ng mga salitang, "Huwahw! Ang laki ng pinya!"
  3. Kamukha ni Puck the Faerie Dragon (yung isang hero sa DoTA) ang mga ikran (yung mga maliliit na flying creatures na kulay blue or green na sinasakyan ng mga taga-Pandora). 
  4. Parang pinaghalo-halong mga sine ang Avatar. Yung setting, parang Neverland dahil sa mga lumulutang na bato. Yung mga robot, parang galing sa Matrix. Yung mga hovercraft, parang galing sa Starship Troopers. Yung mga hugis ng katawan ng mga taga-Pandora, parang hugis ni Tarzan (yung Disney version). 
  5. Ito yung medyo bigatin. Naalala ko ang quote na to dahil sa Avatar: "Once upon a time, I, Chuang Chou, dreamt I was a butterfly, fluttering hither and thither, to all intents and purposes a butterfly. I was conscious only of my happiness as a butterfly, unaware that I was Chou. Soon I awaked, and there I was, veritably myself again. Now I do not know whether I was then a man dreaming I was a butterfly, or whether I am now a butterfly, dreaming I am a man." Quote yan galing kay Chuang Chou (alias Zhuangzi), ang original na taong nag-conceptualize ng Avatar. Pinalitan lang ni James Cameron yung "butterfly" ng "Na'vi," yung race ng mga taga-Pandora.  
Sobrang naaliw talaga ako kaya ito na ata ang highlight ng week ko. Gusto ko sanang ulitin sa IMAX kaya lang P400 ata doon. Wala namang manlilibre. Sino kaya ang mabait na manlilibre sa akin manood noon ulit? Hmmm... Apply na! Please? Para naman lumabas na ko mula sa ilalim ng bato kasi andito nanaman ako.  Kung wala, ok lang. Ihatid niyo na lang ako sa Pandora.

Sa Linggo, may bagong kwento nanaman ako kaya stay tuned mga kablogs!
Ang picture ng bluetooth dongle ay galing sa website ng pinagbilhan ko.  Ang picture ng sisig ay galing sa The Backpacker. Ang picture naman ng Avatar poster ay galing sa Film Maker Magazine. Salamat!

Sunday, January 3, 2010

Goal-setting

It's official! I've logged back into my old blog accounts, and I am on my 18th blog already. Some might call me fickle, but to me, blogging is symbolic. Each of my blogs stands for my personality.

However, things change, and I change with the times, too. Whenever I grow or change personalities, each of my previous blogs just seem to die off along with the personalities that created them. This reminds me of "Identity," a film starring John Cusack, but I won't spoil the thrill for you folks, so you won't get the slightest hint of a synopsis here. Anyway, I think that I need to stop the trail of dead blogs, and keep this current one alive, so resist as I may, I will write just one New Year's resolution:

I will blog about a happy, sad, notable, or learning experience at least once a week, preferably posted on either a Friday, Saturday, or a Sunday on or before midnight.

I think that this is a smart strategy to keep this blog alive, and by that, I mean it literally. Why? It is because SMART is also a mnemonic device that I've learned in my Motivations class, which was started by George Doran, Arthur Miller, and James Cunningham back in 1981. Basically, SMART goal-setting means that each goal must satisfy these 5 key words:
S - Specific
M - Measurable
A - Attainable
R - Relevant
T - Time-bound

What could be more specific about writing once a week just before midnight? What could be more attainable than doing something once a week? Even doing nothing all the time is quite impossible, so I think that writing once a week is fairly attainable. Definitely, I will have a gauge to look at to make it measurable; I just need to look at my archives and ensure that there are at least four posts per month. How relevant is this goal? Well, let's just say that the life of this blog depends on it, so it is fairly relevant. Although I am not a fan of deadlines, I will also stick to my weekend, 12 midnight deadline, so that I can also learn discipline. In fact, I'll keep an alarm on my cellular phone to ensure that I get to write one blog post, and hopefully, it sticks.

Saturday, January 2, 2010

My Recipe for Happiness for 2010

Last year was tough on me. My job does not give me financial stability, but it entails writing, which is one major reason why I stayed in it. I do not have an existing love life, but I am enjoying singlehood, too. I haven't written any new poems, but I have learned to be better at writing essays. That is the summary of 2009 for me.

So, with a cup of hot coffee in hand, I pondered to myself, "What can I do to make 2010 better?" I know that writing resolutions is over-rated. I also know that I can't stick to them, so why would I even bother? I was trying to cook up a fool-proof recipe for happiness for 2010.

Then, I remembered an advice that I gave to a friend. A few years back, a friend came to me and asked, "What can I do to be happy?" I've always believed in starting with the little things, so I said to her:
Look for the little things that makes you happy. For example, a Benson's Eclair or Butterball candy. It's easier to be happy that way. Compared to a big, happy event, smaller pieces of happiness, most of the time, come effortlessly. In time, you'll accumulate those small pieces. If you make a habit of being happy, you'll never run out of things to smile about.
Since I need to walk the talk, I thought that I'll try my own advice this year. Instead of doing resolutions, I've drawn up a list of things that made me happy last year that I will carry over to 2010. Because I already know that they make me happy, how can I not be, right? I think that it'll work, so here's the list of things that got me through 2009:
I know that the list is not that long, but it's a good start. Those things really made me smile, so if I carry them over to 2010, I think I'll have enough of a head start to be happy all year long. If I'm lucky and keep my eyes, ears, and other senses open to other good things, maybe this year, my list of happy things will become longer.
Related Posts with Thumbnails