Wednesday, January 13, 2010

Ang Bluetooth Dongle, Ang Phantom Sisig, at ang Avatar

OK, sige na. Nakatira na ako sa ilalim ng bato dahil andami kong hindi na alam tungkol sa Pilipinas kahit na hindi naman ako nag-overseas trip. Kahapon kasi, napakarami kong nadiskubreng kakaiba at nakaaaliw na mga bagay pero eto ang top 3 choices ko:


Number 3: 
Ang Bluetooth Dongle at ang Maling Akala




Bago ako umalis ng bahay namin, inutusan ako ng tito ko bumili ng bluetooth dongle dahil sa kakulitan niya. Gusto niya kasing mag-lipat ng music files sa cell niya at wala akong USB cable para sa N6300 kaya niya ako pinapabili ng bluetooth dongle. Magkano daw kaya yon? Nagmagaling naman ako at sinabi kong baka wala pang P150 yon sa CD-R K!ng (minali ko talaga ang spelling dahil hindi bayad kung i-eendorse ko sila, hehehe). Nagbigay naman siya agad dahil nga gusto niya na maglipat agad ng music files. Aba, e kung Europa ba naman ni Carlos Santana ang music na gusto niyong ilipat, sino ba naman ang hindi magmamadali, di ba?

Aba naman! Pagdating ko doon, P180 ang pinakamura. Nung tinanong pa ako ng sales person kung ano daw ang OS ng PC ko, lalong nagmahal! Dahil naka Vista ako, aba naman, yung P220 na brand ang binigay niya sa akin. P220-P150 = P70. Tama ba math ko? OK, na-calculator ko na. Tama nga. E di nagpaluwal pa ko kaya ayun, butang-buta ang bulsa ko. Hay, pati ata lint ng bulsa ko, naubos. Dahil sa pagtira ko sa ilalim ng bato, hindi ko na tuloy alam kung magkano at kinulang tuloy ang budget ko.

Number 2: 
Ang Mahiwagang Sisig a.k.a Phantom Sisig



Nagpasama sa akin ang kaibigan ko, si Donna, sa SM Bacoor dahil maggo-grocery daw siya doon. May pagkakaladkarin (madaling makaladkad sa kung saan-saan) ako kaya, siyempre, sumama naman ako sa kanya, at papakainin naman niya ako. Bago mag-grocery, kumain muna kami at dito ko na nadiskubre ang isang kamangha-manghang bagay.

Pinapili ako ni Donna kung saan ako kakain. Nung una, ang sabi ko sa Pao Ts!n na lang para mura lang at masarap pero nagbago ang isip ko. Ang sabi ko dun na lang sa sisig stall (na hindi ko matandaan ang pangalan).  Payag naman siya. Nag-order na ko at nung na-serve na yung sisig, namangha ako dahil lasang sisig at mukhang sisig nga siya pero parang walang sisig! Sa isip-isip ko, "OMG! Ang galing nito ah! Ambilis ma-prepare at masarap ang sisig na 'to pero walang sisig." Grabe! Ang galing, 'di ba? Sa kakatawa namin at pagkukulitan, nabansagan namin ang sisig na ito na Phantom Sisig, pero kahit na nakamamanghang parang walang sisig dun, sobrang sarap naman kaya binigyan ko ng 3.5 stars ang food stall na iyon out of 5. Try nyo din para mamangha kayo. 

Tantararan!!!

Number 1: 
Avatar
Ang Pinakamakulay na Sine sa Buong Mundo



Bago ako magpunta ng SM Bacoor, niyaya naman akong manood ng sine ng isa ko pang kaibigan, si Kate. Nung Lunes kasi, nabanggit ko na hindi ko pa napapanood yung Avatar (oo na, nakatira nga ako sa ilalim ng bato dahil nung December pa ito unang lumabas). Dahil gusto daw niya ulitin, nag-sched kami na panoorin siya kahapon sa Alabang Town Center. Take note. Avatar 3D ang pinanood namin at halagang ginto ang presyo. Kuripot na kung kuripot pero namamahalan ako sa P300.

Kahit na P300 yung sine, I think, sulit naman yung bayad dahil ito na ata ang pinakamakulay na sineng napanood ko! Halos lahat, parang glow in the dark ang kulay at talaga namang nakakaaliw. Puro "ooohhh" at "wooowwww" nga lang ang lumabas sa bibig ko eh. Eto ang maigsing listahan ng mga napansin ko sa sineng iyon:
  1. Ang kawayan pala ay intergalactic na halaman dahil meron nito sa planetang Pandora. 
  2. Ang pinya ay isang intergalactic ding halaman. Kaya lang, sobrang higanteng pinya naman ang nasa Pandora. Parang ambastos pa nga ng pagkakasambit ko ng mga salitang, "Huwahw! Ang laki ng pinya!"
  3. Kamukha ni Puck the Faerie Dragon (yung isang hero sa DoTA) ang mga ikran (yung mga maliliit na flying creatures na kulay blue or green na sinasakyan ng mga taga-Pandora). 
  4. Parang pinaghalo-halong mga sine ang Avatar. Yung setting, parang Neverland dahil sa mga lumulutang na bato. Yung mga robot, parang galing sa Matrix. Yung mga hovercraft, parang galing sa Starship Troopers. Yung mga hugis ng katawan ng mga taga-Pandora, parang hugis ni Tarzan (yung Disney version). 
  5. Ito yung medyo bigatin. Naalala ko ang quote na to dahil sa Avatar: "Once upon a time, I, Chuang Chou, dreamt I was a butterfly, fluttering hither and thither, to all intents and purposes a butterfly. I was conscious only of my happiness as a butterfly, unaware that I was Chou. Soon I awaked, and there I was, veritably myself again. Now I do not know whether I was then a man dreaming I was a butterfly, or whether I am now a butterfly, dreaming I am a man." Quote yan galing kay Chuang Chou (alias Zhuangzi), ang original na taong nag-conceptualize ng Avatar. Pinalitan lang ni James Cameron yung "butterfly" ng "Na'vi," yung race ng mga taga-Pandora.  
Sobrang naaliw talaga ako kaya ito na ata ang highlight ng week ko. Gusto ko sanang ulitin sa IMAX kaya lang P400 ata doon. Wala namang manlilibre. Sino kaya ang mabait na manlilibre sa akin manood noon ulit? Hmmm... Apply na! Please? Para naman lumabas na ko mula sa ilalim ng bato kasi andito nanaman ako.  Kung wala, ok lang. Ihatid niyo na lang ako sa Pandora.

Sa Linggo, may bagong kwento nanaman ako kaya stay tuned mga kablogs!
Ang picture ng bluetooth dongle ay galing sa website ng pinagbilhan ko.  Ang picture ng sisig ay galing sa The Backpacker. Ang picture naman ng Avatar poster ay galing sa Film Maker Magazine. Salamat!

5 comments:

  1. matagal na rin akong di nakakakain ng sisig..sa post mong ito namiss ko tuloy ang kumain uli..

    ReplyDelete
  2. Try mo yun, Kuya Arvin. Ahahaha! Sobrang sarap talaga kahit parang wala naman talagang sisig. Pag naaalala ko nga yon, lumiligaya ako ng todong-todo eh. Bwahahaha!

    ReplyDelete
  3. Meron ding makahiya sa Avatar..Kaya lang exaggerated.

    300 pesos diyan? I paid $15.00.
    Magkano ba regular movie?

    ReplyDelete
  4. Ay oo nga, meron ding makahiya pero super laking makahiya. Feeling ko, makapal mukha nung mga makahiya sa Avatar. Hehehe!

    Yung regular movies dito, P160 na. Mas mahal pa rin jan yung movies, no? Pero I really think that it's worth the money. :-)

    ReplyDelete
  5. Heheh nice list of realizations regarding the movie avatar. haven't watch it yet. excited na tuloy ako. hehe

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails