Without further adieu, eto na ang aking kahindik-hindik na storya tungkol kay Aurora at ang Mahiwagang Kaheta.
Si Aurora at ang Mahiwagang Kaheta
Sa bayan ng Imus, sa lalawigan ng Cavite, may isang biyudang nagngangalang Aurora. Nang mamatay ang asawa niya, wala itong naiwan sa kanya ni isang singkong duling. Sa katunayan, nag-iwan pa ito ng maraming utang.
Dahil matanda na si Aurora at siya ay may rayuma, hindi siya makapagtrabaho sa call center para magkaroon ng maraming pera. Nanggagaling na lamang ang pera niya sa pagbibingo tuwing hapon.
Isang araw, kinailangang mamalengke ni Aurora sa talipapa. Kaya lang, P50 lang ang pera niya kaya nakabili lamang siya ng isang piling na saging, 1/4 kilo ng dilis, at tatlong tokwa. Tatlong piso na lang ang natira sa pera niya.
Nang siya ay papauwi na, napadaan siya sa isang tulay na may puno.
"Psst! Akin na lang yang saging mo!"
Nagulat si Aurora. "Sino ba iyon?" ang tanong niya.
"Dito sa taas ng puno. Ako si Takeshi, ang unggoy ng punong ito, at ako ay nagugutom."
"O sige na nga. Iyo na ang saging ko. Catch!" Iniitsa ni Aurora kay Takeshi ang saging at siya ay nagpatuloy na sa paglalakad.
Nang siya ay napadpad sa kanto, may nakita siyang pusa.
"Miyaw! Miyaw! Oh where, oh where can I find some dilis? It is so dilis-cious pero pusa lamang ako, at wala akong perang pambili."
Narinig ni Aurora ang pusa. Dahil likas na mabait ang biyuda, naawa siya sa pusa. "Gusto mo, iyo na lang ang ang mga dilis ko?"
"Oh wow, oh wow! Miyaw! Miyaw! You're so mabait naman, lola!" ang sabi ng pusa habang iniaabot ni Aurora sa pusa ang 1/4 kilong dilis.
Nagpatuloy sa paglalakad si Aurora. Pagtapat niya sa tindahan ni Elenita, may nakita siyang isang Haponesang lampayatot. Mukhang gutom na gutom na ang Haponesa, at mukhang lalalapit ito kay Aurora upang manghingi ng pagkain.
"Ano, moshi moshi! Sumimasen. Konichiwa. Pwede ko bang mahingi ang mga tokwa mo, lola? Gutom na gutom na ako at napakalayo pa ng Japan. Baka mamatay ako sa gutom bago ako makauwi sa bahay namin."
Napabuntong-hininga na lamang si Aurora. Gutom na rin siya pero parang mamamatay na nga ang Haponesa kaya ibinigay na din niya ang natitira niyang pinamili. "Heto, hija. Kunin mo na itong tatlong tokwa. Mukhang mas kailangan mo ito kaysa sa akin."
Nang iabot ni Aurora ang tokwa sa Haponesa, biglang kumulog at kumidlat! Nabalot ang paligid ng napakaliwanag na ilaw. Walang makita si Aurora pero may narinig siyang boses na tila umaawit.
"Dahil sa mabuti mong kalooban,
ikaw ay aking gagantimpalaan.
Di tulad ng lalaki sa commercial ng Fita,
binigay mong lahat ng iyong makakaya
sa pagtulong sa kapwa kahit di mo sila kakilala.
Ikaw ay aking bibigyan hindi ng isang kahilingan
kundi isang mahiwagang sisidlan.
Gamitin mo ang mahiwagang kaheta at lagyan mo ng barya.
Kahit kailan ay hindi ka na mawawalan ng pera."
Nang muling magkamalay si Aurora, wala na siyang bitbit na plastic bag ngunit nasa kamay niya ang isang pulang kaheta. "Aba, ano itong bagay na ito? Isang kahetang lalagyan ng barya? Pero walang laman," kaya nilagay ni Aurora ang tatlong pisong sukli niya sa loob ng kaheta.
Naupo muna si Aurora sa tapat ng tindahan ni Elenita para mag-isip ng gagawin. "Hmmm, ano kayang mabibili ko sa tatlong piso? Ah, alam ko na! Bibili na lang ako ng tatlong iCool. At least, may ngunguyain ako kahit hindi nakakabusog."
Kinuha ni Aurora ang tatlong piso at ipinambili ng iCool. Pagkatapos maisara ang kaheta, nalaglag ito sa semento, at narinig ni Aurora ang pagkalansing ng mga barya. "Aba! Nakapagtataka. Ubos na ang laman ng kaheta kanina, ah."
Nang binuksan ni Aurora ang kaheta, may tatlong piso ulit itong laman. Kinuha niya ang pera at isinara ulit pero kumalansing muli ang kaheta. Nang buksan niya ulit ito, may tatlong piso na namang laman ang kaheta! Pinaulit-ulit ni Aurora ang pagbukas-sara ng kaheta at manghang-mangha siya. Hindi nauubusan ng laman ang kaheta. Lagi itong may tatlong pisong barya. Dahil dito, nakabili siya ng Pop at isang balot ng Pan de Coco sa tindahan at siya ay hindi na nagutom kahit kailan.
The end.
Disclaimer (lalo na sa mga kamag-anak ko). Ang mga pangalang nabanggit ay hango sa mga tunay na tao at hayop na alaga namin dito sa bahay pero ang mga pangyayari at kaganapan sa storyang ito ay pawang kathang-isip lamang. Bwahahaha!
wow naman ang galing nito!
ReplyDelete:D
nakakaaliw..
ang kukuyut ng illustrations.
naawa ako sa haponesang mamamatay na hahaha
galing galing. may telent ka rin sa pagsusulat ng storya!!!
ikakalat ko rin ang link dito sa entry mong to para mabasa ng mga blogger friends ko!!!
may aral at may laman
ayos!!!
Ay salamat Jasonhamster. :-)
ReplyDeleteTama ka nga kasi. Maganda ang storya kapag may aral at may laman. :-) I add kita sa links ko ha. Salamat sa pag-bisita. :-)
Sala'am at salamat sa pagdalaw sa aking web log.
ReplyDeleteNakapagitan sa 5-7-5 na pintig ng puso ang anim na pantig... akma talagang lapatan ng himig.
Mabuhay ka!
wow. so amazing!!! at idol mo pala si hamster!? no doubt. magaling un, at magaling ka din, parehas kayong magaling maghabi ng kwento na may kapupulutan ng aral.. nice work!! hope to read more of this ha?
ReplyDeleteManong Dong,
ReplyDeleteSalamat po sa pag-bisita sa blog ko. Nakita ko pong may mga bago sa blog ninyo pero hindi ko pa po nababasa lahat. Sa weekend po, babasahin ko na po iyon lahat. Mabuhay din po kayo ng mahaba at masagana.
Machongbutiki,
Oo, nainspire ako ni Jasonhamster eh. Salamat din sa papuri. Hayaan mo, marami pa akong kwentong katulad nito. Next week, alam ko na nga ang ipopost ko eh. Nyahahaha! Stay tuned!
wow it's a cool story!! thanks for sharing. i enjoyed it ^^ sana makahanap din ako ng mahiwagang kaheta! hehe
ReplyDeleteMon
www.monzavenue.com
Thanks Mon! Masaya akong na-enjoy mo. Onga eh, ako din, wish ko din yan kay Bro.
ReplyDeletewhoah! nakakatuwa naman. kwentong pambata, nakakabawas ng stress.. ganda pa ng drawings! lupet! :D
ReplyDeletems paint din gamit mo?
Hmp. Nag comment ako ah, bat wala? Anyways, nag enjoy naman ang baby ko! More pa po please!
ReplyDeleteDear Beeftapa,
ReplyDeleteNagutom ako nung nakita ko yung pangalan mo dito sa mga nag-comment. Opo, MS paint lang gamit ko diyan. Nasira kasi yung scanner ko kaya di ako makapag-drawing ng matino.
Dear Ate Ayie,
Ay bakit kaya hindi na-post? Anyway, buti naman pala at na-enjoy mo yung storya. Siyempre, more pa. Ready na nga yung storya para sa Sunday eh. Yung drawings na lang ang tutuusin ko sa Paint.