Thursday, February 25, 2010

Ang Busy Supervisor at ang mga Kakaibang Superpowers

Buhay pa ako. Busy lang ako lately kaya hindi ako makapag-post at makapagsulat ng matinong kwento. Hindi na rin ako makapag-drawing pero babalikan ko lahat iyan sa susunod na mga linggo. Mahirap pala talagang maging supervisor.

Speaking of super, dahil sa isang sineng napanood ng makulit kong kaibigang si Johmar, nakaisip ako ng mga super powers na walang kakwenta-kwenta. Base sa kwento niya, may isang character daw sa movie na tinutukoy niya na invisible lang kapag walang nakatingin pero nagamit pa rin nung character na yun ang kakaibang power. Nainspire naman ako kaya heto ang mga naisip kong patok na mga sablay na powers:
  1. Kapangyarihang makapag-kamehame wave. Kapag tinamaan ka, patay ka agad. Kaya lang, pwede lang gamitin ang power na ito kung 10 ft. away ka sa kalaban. Ang catch, 8 ft. lang ang abot ng kamehame wave.
  2. Kapangyarihang malaman kung kailan may balyenang kinagat ng lamok kahit saan sa earth. 
  3. Kapangyarihang managinip ng mga mangyayari sa hinaharap. Kaya lang, pag-nagising ka na, makakalimutan mo na ang prophecy.
  4. Kapangyarihang manalo sa kahit anong klaseng bakbakan kung ang kalaban mo ay taong mas maliit sa iyo. Kaya lang, ipapanganak kang unano.
  5. Kapangyarihang makapag-basa ng iniisip ng ibang tao pero literal. Masusulat ang iniisip nila sa katawan mo. Kaya lang, sa batok.
Libre kong ipinamimigay yang mga powers na yan. Alin gusto niyo? Marami niyan sa stock. Nung naging supervisor ako, nakuha ko yan lahat eh. Freebie, ika nga. O siya, tama na ang kahibangang ito. Next week na lang ulit. Abang-abang lang. Marami pang powers na tulad ng mga ito.

1 comment:

  1. hahaha! natawa ako dito. I think I'd go for the kamehame wave. That 8ft away wave is better than nothing. By the way, i never got to congratulate you... so Congratulations Chad! I'm really happy that you're now a supervisor. :-) I'll read your stories soon. xoxo! -Shirl

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails