Saturday, May 29, 2010

Ang Credit Card Joke (featuring Bianca)

Kanina, sa office, natawa ako sa sinabi sa akin ng isa kong kaibigan, si Bianca. Natawa ako dahil sobrang ironic ng sinabi niya sa akin.

Nitong nakalipas na linggo, hindi nga lang ako sigurado kung anong araw, nag-break sila ng 3-year long boyfriend niya. Dahil depressed ang bata, naisipan niyang mag-mope around at mag-internet ng sagot sa kanyang problema. Sa di inaasahang pagkakataon, napadpad siya sa isang forum tungkol sa mga rules pagkatapos ng break-up. Kung hindi ako nagkakamali, tungkol iyon sa "no contact rule" pagkatapos ng break up. May isang nagpost at nabanggit doon ang isang title ng libro, "It's Called a Break-up Because It's Broken."

Dahil sa daming nag-react na maganda tungkol sa book, ginusto ni Bianca na bumili rin non. Kanina, habang nag-fifill up siya ng online order form para sa book, sinabi niya:

"Gamitin ko kaya ang credit card ni ____ para bilhin tong book?"

Aba! Pagkatapos kong marinig yung sinabi ng loka, natawa na lang ako. Ironic, ika nga. Paano kung itinuloy niya nga ang pagbili dun sa book gamit ang credit card ng ex niya? Naiimagine ko na ang mangyayari. Lalabas sa credit card bill yung title ng book at mapapakamot na lang si ____ dahil nagawa pa ni Bianca na gamitin credit card niya sa pag-bili ng librong tutulong sa kanya mag-move on.

Pakiramdam ko lang, baka ito na ang pinakamalaking joke na maaalala ko tungkol kay Bianca. Baka nga hanggang uugud-ugod na kami, ito pa rin ang joke na pagtatawanan namin ng malupit. Sana lang, makapag-move on na ang Biankikay namin para hindi na siya sad. Higit sa lahat, sana hindi rin niya gawin yun kasi baka hulihin siya ng pulis sa paggamit ng credit card ng iba.

Ngayon ko lang din na-realize: mahirap palang makipag-break. Nakaka-depress. Nakaka-sira ng ulo. Higit sa lahat at kung may credit card ka, mahirap pala na alam ng girlfriend ang credit card number mo. Ikaw na ang nawalan ng girlfriend, ikaw pa ang magbabayad para mag-move on siya. Hehehe!

7 comments:

  1. Ayos si Bianca. Kaso, hindi ba natuloy yung pagbili niya ng book? Tsk. Sayang naman, mukhang maganda pa naman yung book!

    At nakakatuwa pag lumabas sa billing! Yay. Ang sama ko! Makakamove on kaagad yang si Bianca. ;]

    ReplyDelete
  2. Natuloy naman yung pag-bili niya ng book. Bumili kami sa Fully Booked. Hindi nga lang niya itinuloy ang maitim niyang balak! Hehehe!

    ReplyDelete
  3. Natawa talaga ako sa post na ito. hahahaha! Sabihin mo kay Bianca, nice idea.

    Pero di bale na, move on na lang. Ayos na yun, salamat kamo sa 3 years.hehe

    ReplyDelete
  4. Ah! Ayos din yon! Atsaka masarap magbasa ng libro.. lalo na kung gustong gusto mo!

    ReplyDelete
  5. @ Ate Ayie - more or less, alam na ni Bianca yun. Ahahaha! Kinonsensiya ko lang siya na wag gawin yung idea.

    @ Batang ROR - sabi sa book, "Find some break-up buddies." Ayun ang role ko ngayon, at masasabi kong may sense nga ang book. Hehehe!

    ReplyDelete
  6. It was just a thought. I don't think I'll go through with it, but it's worth considering and laughing over. And besides, if I really want to get even, I'll buy my ticket for Hong Kong through his credit card. The book's not enough!

    ReplyDelete
  7. @Biancs - yan ba ang galit na dala ng 20 ampalaya?

    ReplyDelete

Related Posts with Thumbnails