Nung Biyernes, habang nag-lulunch kami sa opisina, gumawa ako ng kwento tungkol kay Jennie (na ipapublish ko din dito, malapit na). Dahil sa kwento ko, naalala daw niya ang isang kwentong narinig niya nung siya ay bata pa tungkol sa isang mayor sa Alabang.
Heto ang kwento:
Noong unang panahon, may isang mayor sa Alabang na kilalang masama ang ugali. Dahil siya ay mayaman at makapangyarihan, palagi siyang pumupunta sa pampang ng Laguna de Bay para mangolekta ng tong. Wala namang pera ang mga mangingisda kaya ang huli na lang nila ang kanilang ipinambabayad sa sakim na alkalde. Ganito ang kalakaran ng buhay ng masamang mayor.
Isang araw, nang ang mayor ay nasa kanyang ruta ng pangongolekta ng tong, may lumapit sa kanyang batang babae.
"Mama, mama, pwede po ba akong manghingi ng isda?" ang tanong ng batang gusgusin.
Tiningnan ng mayor ang bata at sinabing, "Ah isda ba kamo? O heto!"
Imbis na ibigay ng maayos, isinaksak ng mayor ang isang bangus sa bibig ng bata at lumakad na papalayo. Subalit nang siya'y lumingon para tingnan kung sinusundan pa siya ng bata, wala na ang bata sa pampang.
Makalipas ang isang linggo, nagka-cancer ang mayor - cancer sa lalamunan. Gamit ang kanyang yaman at impluwensiya, nagpagamot ang mayor sa mga ispesyalista. Nang hindi kinaya ng mga doktor dito sa Pilipinas, nangibang-bansa ang mayor para magpagamot. Pumunta siya sa America pero hindi na rin nila magamot ang kanyang cancer dahil malubha na ito. Di nagtagal, namatay ang mayor.
Marami sa mga sumubaybay sa mayor ang nakaisip na maaaring may kinalaman ang batang babaeng sinaksak niya ng bangus sa bibig. Ipinagtanong nila kung sino ang bata sa lahat ng tao ngunit walang nakakakilala sa batang ito. Ang lumabas pa nga sa mga imbestigasyon ay wala talagang batang katulad ng kanilang nilalarawan.
Pagkatapos ko marinig ang kwento, kinilabutan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro nga, mahiwaga ang bata. In fact, ito ang theory ko:
Mula sa pagkaluklok ni Maria Makiling sa tuktok ng kanyang bundok, natanaw niya ang alkalde. Gusto siguro niyang parusahan ang mayor pero, siguro, binigyan pa niya ng pagkakataon. Siya ay bumaba ng bundok para bigyan ng pagkakataong magbago ang mayor gamit ang pagsubok sa kabaitan ng mayor. Kaya lang, hindi naging mabait ang mayor kaya ayun ang inabot niya.
Kaya nga ako, mabait ako eh--ehheheh! Kasi hihiling din ako sa diwata, yung sports car, kulay red! hahaha!
ReplyDeleteAhahaha! Yan yung inspiration ko para dun sa kwento ko tungkol kay Aurora. Ahaha!
ReplyDelete