Sunday, May 30, 2010

Isang Kwentong Bayan ng Alabang

Nung Biyernes, habang nag-lulunch kami sa opisina, gumawa ako ng kwento tungkol kay Jennie (na ipapublish ko din dito, malapit na). Dahil sa kwento ko, naalala daw niya ang isang kwentong narinig niya nung siya ay bata pa tungkol sa isang mayor sa Alabang.

Heto ang kwento:

Noong unang panahon, may isang mayor sa Alabang na kilalang masama ang ugali. Dahil siya ay mayaman at makapangyarihan, palagi siyang pumupunta sa pampang ng Laguna de Bay para mangolekta ng tong. Wala namang pera ang mga mangingisda kaya ang huli na lang nila ang kanilang ipinambabayad sa sakim na alkalde. Ganito ang kalakaran ng buhay ng masamang mayor.

Isang araw, nang ang mayor ay nasa kanyang ruta ng pangongolekta ng tong, may lumapit sa kanyang batang babae.

"Mama, mama, pwede po ba akong manghingi ng isda?" ang tanong ng batang gusgusin.

Tiningnan ng mayor ang bata at sinabing, "Ah isda ba kamo? O heto!"

Imbis na ibigay ng maayos, isinaksak ng mayor ang isang bangus sa bibig ng bata at lumakad na papalayo. Subalit nang siya'y lumingon para tingnan kung sinusundan pa siya ng bata, wala na ang bata sa pampang.

Makalipas ang isang linggo, nagka-cancer ang mayor - cancer sa lalamunan. Gamit ang kanyang yaman at impluwensiya, nagpagamot ang mayor sa mga ispesyalista. Nang hindi kinaya ng mga doktor dito sa Pilipinas, nangibang-bansa ang mayor para magpagamot. Pumunta siya sa America pero hindi na rin nila magamot ang kanyang cancer dahil malubha na ito. Di nagtagal, namatay ang mayor.

Marami sa mga sumubaybay sa mayor ang nakaisip na maaaring may kinalaman ang batang babaeng sinaksak niya ng bangus sa bibig. Ipinagtanong nila kung sino ang bata sa lahat ng tao ngunit walang nakakakilala sa batang ito. Ang lumabas pa nga sa mga imbestigasyon ay wala talagang batang katulad ng kanilang nilalarawan.

Pagkatapos ko marinig ang kwento, kinilabutan ako. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro nga, mahiwaga ang bata. In fact, ito ang theory ko:

Mula sa pagkaluklok ni Maria Makiling sa tuktok ng kanyang bundok, natanaw niya ang alkalde. Gusto siguro niyang parusahan ang mayor pero, siguro, binigyan pa niya ng pagkakataon. Siya ay bumaba ng bundok para bigyan ng pagkakataong magbago ang mayor gamit ang pagsubok sa kabaitan ng mayor. Kaya lang, hindi naging mabait ang mayor kaya ayun ang inabot niya.

Saturday, May 29, 2010

Ang Credit Card Joke (featuring Bianca)

Kanina, sa office, natawa ako sa sinabi sa akin ng isa kong kaibigan, si Bianca. Natawa ako dahil sobrang ironic ng sinabi niya sa akin.

Nitong nakalipas na linggo, hindi nga lang ako sigurado kung anong araw, nag-break sila ng 3-year long boyfriend niya. Dahil depressed ang bata, naisipan niyang mag-mope around at mag-internet ng sagot sa kanyang problema. Sa di inaasahang pagkakataon, napadpad siya sa isang forum tungkol sa mga rules pagkatapos ng break-up. Kung hindi ako nagkakamali, tungkol iyon sa "no contact rule" pagkatapos ng break up. May isang nagpost at nabanggit doon ang isang title ng libro, "It's Called a Break-up Because It's Broken."

Dahil sa daming nag-react na maganda tungkol sa book, ginusto ni Bianca na bumili rin non. Kanina, habang nag-fifill up siya ng online order form para sa book, sinabi niya:

"Gamitin ko kaya ang credit card ni ____ para bilhin tong book?"

Aba! Pagkatapos kong marinig yung sinabi ng loka, natawa na lang ako. Ironic, ika nga. Paano kung itinuloy niya nga ang pagbili dun sa book gamit ang credit card ng ex niya? Naiimagine ko na ang mangyayari. Lalabas sa credit card bill yung title ng book at mapapakamot na lang si ____ dahil nagawa pa ni Bianca na gamitin credit card niya sa pag-bili ng librong tutulong sa kanya mag-move on.

Pakiramdam ko lang, baka ito na ang pinakamalaking joke na maaalala ko tungkol kay Bianca. Baka nga hanggang uugud-ugod na kami, ito pa rin ang joke na pagtatawanan namin ng malupit. Sana lang, makapag-move on na ang Biankikay namin para hindi na siya sad. Higit sa lahat, sana hindi rin niya gawin yun kasi baka hulihin siya ng pulis sa paggamit ng credit card ng iba.

Ngayon ko lang din na-realize: mahirap palang makipag-break. Nakaka-depress. Nakaka-sira ng ulo. Higit sa lahat at kung may credit card ka, mahirap pala na alam ng girlfriend ang credit card number mo. Ikaw na ang nawalan ng girlfriend, ikaw pa ang magbabayad para mag-move on siya. Hehehe!

Friday, May 28, 2010

A Question On Break Ups

It takes a terrible amount of mighty bond to fix a broken vase, but isn't it much simpler to buy a new one?

Thursday, May 27, 2010

The Process of Grieving

Wallowing is part of grief. Eventually, the puddle of tears will dry up to reveal crystals that are worth smiling about.

Wednesday, May 19, 2010

Mga Mangyayari sa Hinaharap

Una sa lahat, salamat, Ate Ayie dahil kinukulit mo kong mag-post. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ko na sana maaalala. Hehehe!

Dahil sumusunod ang trabaho ko sa academic school year ng America, magiging mas maluwag na ang schedule ko. Magkakaroon na ako ng time mag-post ng mga bagong kuwento, at eto ang mga nakabinbing mga kwentong dapat kong isulat:

1. Ang Tagak
2. Ang Maalamat na Lighter
3. Bakit May Sungay ang Narwhal?

Kelan nga ba ako mag-kakatime? Sa tingin ko, hindi na ako busy pag-dating ng June. Ilang linggo na lang ba yon? Less than two weeks na lang, so hang in there, fans. Malapit na malapit na!

Tuesday, May 18, 2010

Chad cannot sleep because he is thinking about _______.

I am an insomniac. That explains why I can't sleep.

I am infatuated, but I cannot publish the name of the person on my Facebook profile.

Damn if you do, damn if you don't. This is how I see my situation. If I post a name on my status message, I will stir up controversy. If I don't put a name and leave it blank, I will still reap the same results. However, keeping the name to myself will save me from ruining the friendship that I have with her, so I will keep it at that.

Chad thought about living up to the meaning of the word "smoulder," but realized that it is such a wasteful concept, and thus, changed his mind, deciding on living like a "laser beam" instead.

I am passionate like fire. That's why I was thinking of the word "smoulder."

I chose "smoulder" instead of "smolder" because I like the emphasis brought about by the letter u.

I told my program manager that I try to live by the meaning of words that I can relate to. Then, I realized that I need to also direct my passion into something creative. That's when I decided to change it to "laser beam." It seems that "laser" carries the same kind of heat, but it is focused, making it more appealing to me.

I easily get distracted, so I have to live by that phrase until I can confidently say that I am a living, breathing laser beam.

Tuesday, May 11, 2010

Si Korina Sanchez at ang Aking High School Classmates

Grabe! Napaka-weird ng panaginip ko kahapon.

Sa panaginip ko, nasa classroom ko daw ako noong high school ako. Galing ako sa all boys school kaya medyo weird na may kaclassmate akong babae, at ang teacher daw namin ay si Korina Sanchez. Eto pa ang mas weird -- ang exam daw namin ay ang pagkanta ng Telephone ni Lady Gaga. Sa sobrang disoriented ko sa panaginip, natakot ako na baka ako na ang tawagin ni Korina, kaya nagtanong ako sa classmate ko.

Ang sabi ko, "Mich, anong nangyayari? Kelan inannounce na may test?"

"Ewan ko. Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito," ang sabi ni Mich na hindi naman si Mich. Yung mukha ng tinawag kong "Mich," mukha ng isa ko pang kaibigan, si Marge.

Patapos na yung isa pa naming classmate sa pag-kanta kaya naghanda-handa na ako. Sabi ko sa sarili ko, "Hello, hello, baby..." nang biglang may biglang may lumapit kay Korina at binulungan siya.

Lumapit din ang babae sa akin na may dalang headset. Ang sabi niya, "May nag-hihintay sa iyo sa labas."

"Sino daw? Mga applicant?" ang tanong ko. Busy kasi ako ngayon sa pag-rerecruit ng mga bagong writing consultant kaya siguro naitanongko yon. Pagkatapos, ibinigay niya sa akin yung headset na may tao pala sa kabilang linya. Parang wireless na headset yon, at ako ang gusto kausapin.

"Hello. Thanks for patiently waiting. This is Chad. How may I help you?" ang tanong ko. Static lang naman yung narinig ko kaya lumabas ako ng classroom papunta sa lobby. Parang hotel naman bigla yung lobby. Paglabas ko dun, nakita ko ang isang pulutong ng mga classmates ko sa high school at iba pang mga lower batch sa akin. Nakita ko dun si Ericson Nantin at kung sinu-sino pa.

Napakaweird talaga.

Monday, May 3, 2010

Isang Birthday Wish

Equus Simula pa noong bata ako, mahilig na akong mag-drawing. Kung anu-ano lang naman ang dinodrowing ko. Minsan, tao. Minsan, hayop. Minsan, kabayo na para bang hindi ito hayop. Ewan ko nga ba kung bakit ko pa hiniwalay yun. Siguro, dahil sa picture na nakita ko sa hard drive ko.

Ayun, kabayo nga siya. Kung hindi ako nagkakamali, gel pen ang gamit ko niyan at sa isang pirasong papel lang na medyo scratch ko pa nga ata yan dinrowing. Tapos, ini-scan ko siya para i-post sa blog kong luma.

Ano naman ang kinalaman nito sa title? Nasira ang scanner ko. Gusto ko ng scanner na stand-alone lang for my birthday. Ayun. *hint* *hint*

Sunday, May 2, 2010

Job Opening

Naghahanap ang company namin ng mga bagong empleyado. Dahil TL na ako, naatasan na akong mag-recruit ng mga bagong Writing Consultant. Heto ang mga details:

Position: Writing Consultant

Requirements:

  • We are looking for college graduates
  • We are looking for people with good English writing skills.
  • We are looking for people with the ability to teach English writing and grammar.
  • We are looking for people who are proficient in Microsoft Word.
  • We are looking for people who are able to work in Alabang, Muntinlupa.

Job Description:

  • The position entails the writing consultant to be able to read and provide constructive comments to essays, research papers, and on occasion, resumes and formal letters.

Ayokong mag-commit ng salary expectations pero I can say that I earn a lot from this job. Sabihin na lang natin na nagagamit ko ang sweldo ko to pay for my expenses:

  • Meralco bills
  • Internet bills
  • Grocery
  • Housing Loans
  • Credit card bills
  • Cell phone bills
  • Gimik
  • Allowance

Lahat yun, bayad ko kasi ako ang may pinakamalaking sweldo dito sa bahay. Hehehe! Serious tong job posting na to. Kung serious din kayong nag-hahanap ng trabaho, email niyo na lang ako: chadthecoffeeholic@gmail.com.

Related Posts with Thumbnails